Advertisement
Pagpadyak at Pagtulong sa mga Batang may Cancer - Hataw Padyak's 227th Pedal for a Cause, January 3, 2021, 6AM anchored by Tinajeros Alliance Cycling ClubAyon sa pahayagan na Inquirer.net at Cancer Coalition of the Philippines, araw-araw dito sa ating bansa ay may naitatala na labing-isang (11) bagong kaso ng sakit na cancer. Pito (7) ang namamatay bawat oras, walo (8) ay mga bata na namamatay kada araw.
Napakahirap sa kalooban na makita ang isang bata na nakaratay sa isang karamdaman habang naghihintay na mabigyan ng lunas ang kanyang sakit. Napakatagal at pabalik-balik ang gamutan para sa mga may cancer lalo na kung sila ay mula sa probinsiya.
Kaya naman ang Hataw Padyak ay napiling tulungan ang Silungan ng Pag-Asa o Shelter of Hope. Isa itong organization na nagbibigay ng pansamantalang tirahan sa mga batang may ganitong kalagayan habang sila ay nagpapagamot dito sa Maynila.
Ayon sa pakikipag-ugnayan na isinagawa ng anchor group na Tinajeros Alliance Cycling Club (TACC) gamit sa bahay ang kinakailangan ng mga naninirahan dito tulad ng cooking oil, zonrox, sabon, pagkain tulad ng bigas, biscuit o iba pang kahalintulad na bagay na bukal sa puso at boluntaryong madadala sa pamamagitan ng bisikleta upang kanilang maipantawid sa araw-araw.
Oportunidad ito para sa ating mga siklista na maipakita ang ating kalinga sa kapwa habang idinadaos ang pag -exercise sa mahigit kumulang na 20km distansiya kung kayo manggagaling sa lugar ng CAMANAVA.
Upang maiwasan ang mass gathering at ang hawaan ng sakit na hatid ng covid19, lahat ng mga grupo ng siklista na nais sumabay sa gawain na ito ay kinakailangang magpadala sa Hataw Padyak ng mensahe upang maitala ang kanilang pagsama at lugar ng kanilang assembly.
Para sa mga karagdagang impormasyon ay maaari kayong makipag-ugnayan sa amin sa pamamagitan ng facebook page na Hataw Padyak, email na [email protected] o sa telepono blg. 09225322652.
Kita-kits mga Ka-Hataw Padyak!
#hatawpadyak
#newyear2021
#kalikasan
#kalusugan
#kalingasakapwa
#batangmaykanser
#silunganngpagasa
#shelterofhope
Advertisement
Event Venue
Silungan ng Pag-asa/Shelter of Hope, Silungan ng Pag-asa/Shelter of Hope, add: 1468-B Peñafrancia St. Paco Manila, Landmark:, Near Plaza Dilao and walking distance from Seaoil Gasoline station Peñafrancia st. and San Gregorio St. Paco Manila, Manila, Philippines
Tickets
Concerts, fests, parties, meetups - all the happenings, one place.
