Advertisement
Where: Joyce-Collingwood Skytrain StationWhen: July 25 at 1:00 PM
Ngayong ika-25 ng Hulyo, dumalo sa taunang Sona ng Bayan! Irehistro ang iyong boses upang isiwalat at tutulan ang mga ibubugang kasinungalingan ni Duterte. Siguraduhin natin na ito na ang huli niyang State of the Nation Address. Biguin natin ang alinmang tangka niya na manatili sa kapangyarihan. Sa loob o labas man ng bansa, walang-takot nating ipakita ang malawak, malakas, at nagkakaisang pwersa ng mga Pilipino laban sa tiraniya.
Limang taon na parusa sa taumbayan ang pasista, pabaya, at traydor na rehimeng Duterte. Mula sa palpak at militaristang pagtugon sa pandemya, pagsupil sa mga aktibista, progresibo at kritiko, pagbusal sa malayang pamamahayag, pag-abandona sa mga overseas Filipino workers, pandarambong sa kaban ng bayan, at pagkatuta sa imperyalistang US at China, patung-patong na ang mga rason para wakasan ang rehimeng Duterte.
Sa kabila nito, patuloy ang pag-organisa at pagkilos ng masang Pilipino upang ipanawagan at ipaglaban ang tunay na pagbabago tungo sa isang Pilipinas na ganap na malaya, maunlad at payapa. Isang bansang may lupa ang mga magsasaka, may desenteng trabaho ang mga manggagawa, at may respeto sa karapatang pantao.
Mga kababayan, kapamilya, kaibigan, mga alyado at mga nagmamahal sa bayan, iparinig natin ang ating malakas na boses na Wakasan Na! at ipakita ang ating malawak at mahigpit na pagkaka-isa bilang mga Pilipino sa labas ng bansa na Tama na! Sobra na! Wakasan na!
_____________
On July 25, join the annual People’s SONA! Register your voice to expose and oppose the lies of Duterte. Ensure that this is his last State of the Nation Address. Let us derail any of his attempts to stay in power. At home and abroad, let us fearlessly show the widespread, strong, and united force of the Filipino people against tyranny.
For five years, the fascist, neglectful, and traitor Duterte regime has been a burden to the Filipino people. From the failed and militarist handling of the pandemic, attacks on activists, progressives, and critics, muzzling of the free press, stealing from the country’s coffers, abandonment of overseas Filipino workers, and subservience to imperialists US and China, the reasons to end this regime continue to pile up.
Despite this, the Filipino people persist in organizing and mobilizing to demand and fight for real change towards a free, prosperous, and peaceful Philippines, a country where peasants have land to till, workers have decent jobs, and the people’s rights are upheld and respected.
Fellow Filipinos, families, friends, allies and those who love our country, let our loud voices be heard Wakasan Na!
Let us show our broadest and strongest unity as overseas Filipinos to demand Tama na! Sobra na! Wakasan na!
#DuterteWakasanNa
#OustDuterte
#DutertePalpak
#WakaSona
________________
We will be practising physical distancing and safety protocols.
This event takes place on the unceded and stolen territories of the Musqueam, Squamish, and Tsleil-Waututh First Nations. We are committed to standing in solidarity with liberation movements around the world, including Indigenous struggles on Turtle Island.
Advertisement
Event Venue & Nearby Stays
Joyce–Collingwood station, Joyce Street at Vanness Avenue, Vancouver, BC, Canada