
About this Event
Kaulayaw sa Tinig ng Pag-ibig
Samahan niyo kami sa isang gabi ng musika, pagmamahal, at paggaling.
Sa buwan ng pag-ibig, inaanyayahan ka naming maging bahagi ng "Kaulayaw sa Tinig ng Pag-ibig"—isang fundraising concert para sa pangangailangang medikal ng ama ng aming minamahal na Reiki lightworker at sound bath healer, Abigail Alva.
Damhin ang init ng yakap ng himig ng musika. Makakasama natin sina Yeyette San Luis, ang kauna-unahang sound healer sa Pilipinas, at Jethro Joaquin, isang RMT sound bath healer. Sila ang maghahatid sa atin ng nakagagaling na awitin at tunog na dumadaloy mula sa puso—isang alay ng pagmamahal at malasakit.
Higit pa sa musika – matapos ang konsiyerto, maaari kang magpa-life o love reading upang gabayan ka sa iyong paglalakbay sa puso at diwa.
Sa gabing ito, hindi lamang natin ipagdiriwang ang pag-ibig—tayo mismo ang magiging daluyan ng pagmamahal.
Ticket donation slides from 999 to 1,500
Free Huge Parking at the back of the building
With your choice of Life or Love Readings from volunteers

Event Venue & Nearby Stays
Our Humble Beginnings 001, Kamias Road, Quezon City, Philippines
PHP 0.00 to PHP 1500.00