Advertisement
Ang kalungkutan ay hindi lamang tulak ng pagkalugmok, nagbubunga rin ito ng pagbalikwas. Nalulungkot tayo dahil ihinahanda natin ang sarili. Ito ay pagpupugay sa lungkot bilang binhi ng paglikha, pulso ng pagbabago, at ng walang-kamatayang pag-ibig.Sa 20 Setyembre 2025, Sabado, itatanghal ng samot-saring artista ang kanilang lungkot sa pamamagitan ng poetry, film, stage play, at on-the-spot poetry contest gamit ang mga litrato ni Neil Tuballes.
Ang event ay magkakaroon ng ticket fee na P20.00. Ang lahat ng ticket sales ay mapupunta sa mga pangangailangang medikal ni John Brixter Tino, may-akda ng Mulias: Mga Tula, isa sa mga pinakabatang premyadong makata mula sa Perez, Quezon na diagnosed ng Marfan Syndrome.
Sama-sama nating kalungin ang ating mga kalungkutan.
Advertisement
Event Venue & Nearby Stays
56 Mother Ignacia Ave, Diliman, Quezon City, Philippines