Advertisement
Sermon Ngayong Araw: Paano Maging Tupa ng Diyos at Masayang Salubungin ang Pagbabalik ng Panginoon?:?♀:
Mga kapatid, madalas nating sinasabi na mga tupa tayo ng Panginoon. Kung gayon, bilang mga tupa ng Diyos, paano natin masayang makakasamang muli ang Panginoon sa mga huling araw?
Magbasa tayo ng isang talata. Sinabi ng Panginoon, “Dinirinig ng Aking mga tupa ang Aking tinig, at sila’y Aking nakikilala, at sila’y nagsisisunod sa Akin” (Juan 10:27).
Mula sa talatang ito, malalaman natin na kinikilala at tinatanggap ng mga tupa ng Diyos ang Panginoon sa pamamagitan ng pakikinig sa tinig ng Diyos. Samakatuwid, kapag narinig natin ang isang tao na nagpapatotoo na ang Panginoon ay nagbalik at bumibigkas ng mga salita, dapat tayong maghanap nang may bukas na puso at pakinggan kung ang Kanyang mga salita ay tinig ng Diyos, at pagkatapos ay magkakaroon tayo ng pagkakataong salubungin ang pagbabalik ng Panginoon at dumalo sa piging ng Cordero.
Ito ay tulad ng sinasabi ng Makapangyarihang Diyos, “Yamang hinahanap natin ang mga yapak ng Diyos, dapat nating hanapin ang kalooban ng Diyos, ang mga salita ng Diyos, ang mga pagpapahayag ng Diyos—sapagka’t kung saanman naroon ang mga bagong salita na binibigkas ng Diyos, naroon ang tinig ng Diyos, at kung saanman naroon ang mga yapak ng Diyos, naroon ang mga gawa ng Diyos. Kung saanman naroon ang pagpapahayag ng Diyos, doon nagpapakita ang Diyos, at kung saanman nagpapakita ang Diyos, doon umiiral ang katotohanan, ang daan, at ang buhay.” “Kung saanman nagpapakita ang Diyos, doon ipinapahayag ang katotohanan, at magiging naroon ang tinig ng Diyos. Tanging iyong mga makakatanggap sa katotohanan ang makaririnig sa tinig ng Diyos, at tanging ang mga ganitong tao ang karapat-dapat na makasaksi sa pagpapakita ng Diyos.”
Kung kayo ay sabik nang malaman kung paano marinig ang tinig ng Diyos, mangyaring i-click ang ? ang blue link upang makasali sa aming sermon ngayong araw.
Advertisement
Event Venue
Online